THERE THEY GO
Sa Pilipinas, kahit minsan di ako nakapasok sa karerahan. Bawal ang bata sa San Lazaro o Sta. Ana, pero syempre di yun ang dahilan dahil mas matanda pa ako siguro sa kanila (sa stadium, hindi sa mga kabayo - kamukha ko lang sila).
Hindi kasi ako mahilig sa sugal na karera kaya kapag nagusap-usap na kami before bottles of serbesa ng aking mga kuligligs (colleagues, sa Inggles) di ko carry ang mga dividendazo ek-ek nila. Winner take all, sabi nung isa. Oh yeah?, tanong ko, Kasama sa premyo ang kabayo?
Pero nung nakarating na ako dito sa Istet (of insanity), aba, nakapasok ako sa karerahan. O, di ba type A?
May racetrack sa Hallandale Beach dito sa South Florida na que klase (di naman ka-level ng Churchhill Downs huh) at ang pinaka-come on nila magmula Nobyembre hanggang Mayo ay ang pag-feature ng mga bands and singers of yesteryears na nangangailangang irevive ang career (o karera, divah) dahil nagpapara na itong tae ng kabayo.
Minsan, nagpunta kami ni Inang, ni Ate, tsaka ni Bunso, dahil ang featured artist ay ang paborito ni Ate na si David Gates.
Alam kong sa kabataan ngayon (or at least, sa Gen Y'er) ang alam lang nilang may apelyidong Gates ay may first name na Bill, pero sa aming matatanda, andyan sina Lou Gates, Jr., ang Water Gates, at syempre, si David Gates - bokalista at band leader ng grupong mala-tinapay na Bread.
"Hey, have you ever tried", banat ni David Gates, habang yung babae sa harap ko habang nakaupo kami sa damuhan ay nagpaparang lukaret, "really reaching out for the other side", ahahayyy, sabi ni lkrt na parang hihimatayin, "I can't be climbing on rainbow", o my g, o my g, sabi ni lkrt, habang sapo sapo ang flat na dibdib - lalaki siguro tong gagong to, sabi ko kay bunso - "but baby here goes..."
I'd like to make it with yooouuu!!!, sabay sabay na pagkanta ng mga tao.
Ayus, nag-senti ang mga tao. Si Inang naman panay ang ngiti at alog ng ulo. Tanong ko sa kanya, Ma, natatandaan mo ba yung kantang yun? Sagot nya, Anong kanta, meron bang kumakanta?
Pagkatapos nun, uwi na kami. Di man lang kami sumilip sa karerahan kasi ang ipinunta lang namin dun e si David Gates kahit pa ang pinaka-rationale sa pag-imbita sa kanila ng mga race producers ay para mamusta ang mga tao sa karera pagkatapos ng concert.
2 or 3 Sundays after that, and na-feature na grupo naman ay Air Supply. Sabi ni Ate ko, Ay, tyfe ko ang I'm all out of love, I'm so lost without youuuhhhh...
E di ganun, nagpunta ulit kaming apat na itlog sa karerahan. Dumating kami sa Gulfstream mga alas dose ng tanghali, ganun, para kaming si Limahong ng 21st century, at sa bingit ng kainitan pagpasok namin ng karerahan, bumubunghalit yung lead singer ng Air Supply ng -
Im all out of love, i'm so lost without youuuhhh, ahk...
Yokpumi ang tarantado. Sabi ko kay bunso, Tol, alam mo ba kung ano kelangan netong si Tanda?
Ano?, sambit nya.
Kelangang nya ang, uhm, supply ng air...
E syempre dahil di namin makayanan ang pinaggagawa nila (pwera lang kay Inang na panay ang ngiti at alog ng ulo), nagpasya kaming puntahan na mismo yung lugar ng pinagkakarerahan. Ipinuwesto muna namin si Ate tsaka si Inang sa isang magandang spot, tas nun, sabi ko kay Bunso, Tol, tara mamusta tayo.
Saan tayo mamumusta e ala naman tayong alam dito? panerbyos nyang tanong.
Engot ka talaga, sabi ko, E syempre dun tayo pupusta sa may pinakamahabang pila para lyamado.
Oo nga ano, galing mo talaga! sagot naman nya. Ayun, ayun, dun tayo pumusta, anghaba ng pila.
Tanga, sabi ko, Pila sa banyo yun!
E syempre dahil wala kaming alam kundi magpakagago, wala kaming napustahan, (secret: wala kasi kaming pera, wehehe) kaya bumalik na lang kami sa oval.
Pagdating namin dun e nagkakagulo ang mga tao't naghihiyawan. Yumpala, merong isang kabayong non-conformist - nagpasya syang tumatakbo ng clockwise sa oval, o kontra sa natural na takbo ng mga kabayo. E di syempre kagulo mga tao habang ang mga awtoridad e habol habol ang kabayong tipong di sang-ayon sa ginagawa ng tao sa kanila.
Speaking of clockwise, alam nyo ba kung bakit ang daloy ng trapiko paakyat sa Cultural Center of the Pinas ay clockwise? Kasi daw (daw, ha!), yung architect na si Locsin ay naisip ang disenyo ng CCP habang nakaupo sa trono, kaya ang design nya sa building para kay Imeldific ay parang unidoro. E ang unidoro daw, ang takbo ng tubig pag finlash mo ay clockwise. (chineck ko ang unidoro dito, counter-clockwise, wehehe).
Locsin habang nakaupo sa trono: I'm all out of love, I'm so lost without yoooouuuuuhhhhh!!!!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home