<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, July 20, 2008

SAMUT SARING SUMMER

Matapos ko mag-errand kahapon, naisipan kong galugurin ang suburbs. Lumiko ako sa Le Jeune, deretso sa Old Cutler Rd, daan sa Deering Estates, tas nun di ko na alam ang dinadaanan ko. Maya-maya sabi ko, teka, parang kilala ko ang lugar na to, isip ako kung kailan ako nakarating dun, yumpala umiikot lang ako ng umiikot sa apat na kalye na parang trumpo, hayup. In other words, naligaw ako, at dahil ako si cbs, di nakapagtataka yun. I know a lot of things, but my way out is not one of them.

E di tawag ako kay Inang, mayday! mayday!

Laking gulat sya kung bat ako napadpad dun, sabi ko type ko lang magbulakbol, isa pa kasi pinagkukuhanan ko ng litrato ang mga puno. Aba, sabi nya, ang mga tao nagtitipid sa gas, ikaw naman inuubos mo ang gas mo. Sagot ko naman, nagtitipid nga ako po, di ba?. Yeah, right, sabi naman nya, At sa anong paraan ka nakapagtipid, aber? Sabi ko, E eto na po ang pinaka-summer vacation ko po.

Dun sa librong Travels with Charlie in Search of America, sabi ni John Steinback, "I knew long ago and rediscovered that the best way to attract attention, help, and coversation is to get lost." E kaso ayoko namang magtanong, kasi pag nagtanong ako, tyak kong di sasagot ang mga puno. Sa Miami, wala kang makikitang taong naglalakad sa kalye. E liblib pa yung napagtripan ko. Isa pa, nakakatakot yung sabi ni Steinback ukol sa payong ibinibigay sa taong nawawala: A man who is seeing his mother starving to death on a path kicks her in the stomach to clear the way, will cheerfully devote several hours of his time giving wrong diretions to a total stranger who claims to be lost.

Naalala ko nung araw sa Pilipinas, naligaw ako sa pinakaliblib na lugar sa Imus, Cavite. Naispatan ko yung isang batang naglalakad sa bangketa kaya pinarahan ko para mapagtanungan. Toy, toy, sabi ko, pwede bang magtanong? Opo naman, sagot ng bata, basta wag lang sa math.

---

Sa madaling salita e natagpuan ko na rin ang mga kilala kong kalsada sa Miami, maraming salamat kay Inang kahit sabihin pang directionally challenged din sya. (Malupit nga ang problema nya sa direksyon. Pag may malakas na ingay galing sa kaliwa, halimbawa ay putok ng rebentador, titingin sya sa kanan sabay sabing, Ano yun?)

Sumaya na naman syempre ang mukha ko nung nadaanan ko na ang red Rd, nakita ko na naman ang paborito kong canal sa Red Road kung saan naglalaro kami ng football catch ni bunso sa karatig-damuhan. natanaw ko din sa kabilang kalsada yung pondahan ng freshly squeezed juice. Pupunuin nila ang blender ng gulay na gusto mo, kamatis, celery, cilantro, carrots, at may mga parang damo na pampa-boost daw (ng ano? ng morale?), tas pag ininom mo, wow, parang chopsuey juice! Ano kaya mas masarap, ito o ice cream na ang flavor e talaba?

Dinaanan ko din yung flower shop na ginagamit ko nung araw. Pag magpapadeliver ako ng ng bulaklak kay, uhrm, Inang, dun ako tatawag.

Matagal ko na ring di nadadaanan ang kalye na to, you can't go home again c, parang sabi sa akin ng mga kumukutitap na ibon.

Summer na nga. Ang init e.

2 Comments:

At Mon Jul 21, 12:23:00 PM , Blogger Jon Vizcarra said...

Naalala ko tuloy si Buckaroo Bonzai..

"Wherever you go, you're there..."

 
At Mon Jul 21, 04:18:00 PM , Blogger cbs said...

ako naman naaalala ko si richard marx, wherever you go i will be right here waiting for youuuu... sagwa

sabi naman ng leprechaun: wherever i am, i'm not there.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home