<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, April 30, 2006

MONAY MONAY

Nami miss ko na ang mga tinapay sa Pinas, pan de sal, pan de racion, pan de limon, pan bonete, pan de leche, at syempre naleche, pan de monay. Sa lugar nga namin medyo eccentric pa ang mga panadero. Meron silang pan de boling na parang bola ng bowling yung tinapay. Tapos ang pan de sal nila e me classification chuva pa, either pang-ngayon o pang-bukas. Pag bumili ka nga dun for the first time, tas sabihin mo, "Bos limang piso ngang pan de sal", tatanungin ka, "Para ngayon ba o para bukas?', malamang e isagot mo, "Pakialam mo bah!" Ang lagay talaga nun, yung pambukas e medyo tustado, yung for the here and now chuva e tipong malambot at masarap lapi-lapirutin.

Nung tumagal ang panahon, napansin ko din sa Pinas na napaparami yung isang ingredient nila: hangin. Meron nga akong nabili minsan, pagbukas mo ng pan de sal para lagyan ng palaman, taena, parang me guwang sa loob yung pan de sal, pwedeng dun ka na uminom ng kape.

Ayos din naman syempre ang mga tinapay dito, ubod ng daming klase. Nung bago pa ako at medyo tanga (ngayon kasi e beterano at ganap na tanga na), nung umorder ako ng sub, tanong nung babae sa deli, What kind of bread, white?, sabi ko, Why, do you have black?

Merong whole wheat, merong rye, merong multi-grain at merong pumpernickel; tas andyan ang croissant, meron pang panis, tas me sour dough, o gusto mo ng cuban bread o french bread? Pero naman naman, ala ba kayo bos ng pan de sal?

Sabi nung isang kano sa Pinas matapos ma-witness kung pano idawdaw ng pinoy ang pan de sal na me mantikilya sa kanyang kape, Wow, man, I can't believe you guys have to clean the bread first before you eat it. Yun nga lang, dismayado sya afterwards nung ininom ni Pinoy yung kape.

Kaso, nagtataka talaga ako dun sa sliced bread. Ang tawag natin dun Pan Americano, o kaya e Tasty, na sa totoo lang e di naman nare-reflect dun sa tinapay kasi di naman sya tipong stateside at di rin masarap. Haynako. Sabagay, ibang klase talaga ang mga panadero sa atin, tipong meron silang pinagbabatayang kakaibang kasaysayan.

Ano kaya ang nagawa ni Sal sa larangan ng pagtitinapay?

Saturday, April 29, 2006

MUNI MUNI

Sabi ni Tony, tropa sa Pinas, nung despedida ko, Tol, pag-uwi mo ang una mong mapapansin andumi ng hangin dito. Overseas worker si Tony. And he was talking from experience. Sabagay, di ko naman kailangang bumalik pa sa Pinas para malaang andumi talaga ng hangin sa Maynila. Nung nag-aaral nga ako at sumasakay sa jeep, pagkagaling sa bahay ang una kong gagawin e linisin ang ilong ko ng q-tips. Asus, yung puti naging itim! Tapos yung contacts ko, pag nilagay ko sa solution, yung solution nag-iiba ng kulay bigla, para bang, Wah, buntis ang mga mata koh!

Speaking of jeep, nagulat ako dun sa post nung si Ederic, sabi nya ang bayad sa pasahe 7.50, tas pano ba daw kung di na ibalik ang .50 kung ang binigay mo e 8.00, magrereklamo ka ba na parang me mabibili yung .50 mo?

Nayko, nung umalis ako, 1.50 pa lang ata ang pasahe, (not so very sure, pero hindi sya 2.50, lalong hindi 7.50). Pag sumakay ka nga noon tas me nakasabay kang kakilala, unahan pa kayo sa pagbayad, samaan pa ng loob pag di ikaw ang nanaig. Tas minsang sumakay kami nina Jun at Boyet papuntang inuman sa may Herran (sarap kasi ng kilawing balat ng kambing dun, meeee) sabi ni Boyet sa driver habang inaabot ang 5.00, Mama eto bayad, tatlong pangit. Tawanan yung mga pasahero na parang bang saad nila, We so agree.

Haynako, namimiss ko na yung mga byaheng pampubliko sa Pinas. Minsan nga nung papasok na ako sa school ng mga ungas, dala-dala ko yung draft ng baby thesis ko. Magbibigay na kami ng status report nun kasi mga 2 months na lang before final submission. Mga 10 buwan ko nang binubuno yung thesis at pinasok ko na yata lahat ng library sa Metro Manila para makaabot sya sa 100 pages. Pagdating sa kahayup-hayupang Quiapo, naalis ko yung pagkakakalang ng kamay ko sa folder, bumukas sya, tas nilipad yung thesis ko, whoosh!!! palabas ng jeep at nagpara silang mga saranggolang ulol na nakawala sa maruming hangin ng Quiapo.

E di baba ako at pinaghahabol ko sila, maiyak-iyak na nga ako nun sabi ko, patay di ako makakagraduate. Pagdating sa school at nag-submit na kami ng status report, eto yung sinulat ko:

status: Missing pages 2,3,7,10-14,18, 20. These renegade pages went their own way, to places unknown, and refused to be part of my thesis.

Siguro naging pambalot sila ng mga kung anu anong hokus-pokus sa Pokyaps. Hey buhey Pokyaps ka talaga oo.

Speaking of Pokyaps, pag bumababa ako sa ilalim ng Quiapo para lumipat sa kabilang kalsada, malimit akong madis-orient, mali yung napupuntahan ko. Sa kalalakad ko nga minsan, napasukan ko yata yung street of no return. Buti na lang nakareturn pa ako, otherwise, di ko na magagawang magpapogi dito.

Sunday, April 16, 2006

WE DIDN'T END THE ICE

John Balaban, Paula Fox
People Mag and Johnson Wax
Boyz to Men, say Copenhagen
Ladies Gents & Fountain Pen

Cradle Snatchers Baseball Catchers
Winston Churchill Margie Thatcher
Ulysses hey Yul Isis
Your Is-Is screws Yulie's sis

Vidyakara, In Akola
My kakosa jinakola
Playboy Bunnies' My Sharona
Francis P bit Sharon, AH!

Shaquille O' Neal Tatum O'Neal
Jermaine O'Neal Ryan O'Neal
Patrick O'Neal Farrah Fawcett
No more O'neal Nakakabuset

And all I want is a useless Google Hit.

Thursday, April 06, 2006

MIAMI S.O.M. (ikalawang jugto)

Nakahiga ako sa di-pinong buhanginan ng SoBe (South Beach) sa Miami Beach at pilit pang pinasusunog ang sunog kong balat. Wala akong sun block na nilagay dahil, ikako naman, 24 karat na ang balat ko at tipong di na tatablan ng sinag. Si Bunsoy naman, mahiyang dadalo sa Mardi Gras dahil kulay puti, sampung coating yata ng sun block ang ipinahid sa katawan nyang naaagnas.

Sabado ng 10:00 ng umaga noon, manaka-naka ang tao. Pinagmamasdan ko ang kulay emerald na tubig na nagiging deep blue pagdating sa malayo. Kalmado sya. Ibang klase talaga ang Atlantic Ocean, sabi ko kay Bunsoy, di gaya ng Pacific Ocean na bukod sa marahas, di pa kaiga-igaya ang kulay. Di naman ako pinapansin ni Bunsoy dahil panay ang tingin nya sa paligid na parang may hinahanap na kakilala. Ayoko din naman syang bulyawan, Hoy bingi makinig ka nga!!! dahil ubod ng tahimik sa Beach. Parang Byernes Santo. Maya-maya, toing!!!, akala ko nalaglag yung mata niya dahil nag pop out sya. (Kung nalaglag nga sya ng tuluyan, wow labo, pupulutin nya sa buhangin yung mga eyeballs nya. E syempre saan nya huhugasan yun? Sa dagat na maalat? Aruy!)

Ayun yung isang nagboborles, sabi ni Bunsoy. Honganow, sabi ko, Taena, sangkatutak na helium siguro ang laman ng dede nun. Ayun pa ang isa, turo nya. Ayun din, turo ko sa kanya. Nalito na kami. Bigla-bigla, naggerminate ang mga nagboborles na sumingaw sa Beach at para kaming minamalikmata. Mirage ata ang tawag dito, sabi ko kay B. Tanga, sabi nya. Wala tayo sa Sahara Desert. SoBe to, ang beach ng mga ayaw magdamit.

So, yun na nga. Pag-alis ko sa SoBe, tatlong bagay ang napag-alaman ko. Una, ubod ng tahimik sa beach at talaga namang nakabibingi ang katahimikan. Ikalawa, topless beach ang SoBe. Kumbaga, partially clothing optional dahil you must keep your pants, di gaya sa Haulover Beach mga 4 miles north kung saan hubo-tabo ang dating ng mga tao. (Isang regulasyon sa Haulover ay kailangan sapinan mo ng twalya ang buhanging kinauupuan mo kapag hubo tabo ka. Syempre nga naman, kung ala kang saplot at ala ring twalya at nakasadlak sa buhangin ang mabaho mong pwet, baka pag-alis mo naman naman ay may humiga ng padapa sa dati mong pwesto at tywmpong nakatutok yung muka nya dun mismo sa pinag-upuan mo. Malamang mag-isip si Mokong, "Parang kakatwa yata ang amoy ng buhangin dito".)

Ikatlo, dalawang grupo ang mahilig magtopless sa SoBe: mga models na Europeans at umaasang may nagmamasid na scout ng modelling agencies o film producers; at mga gurang sa kung anumang bansang Latina at ipinakikita ang openness ng kanilang kultura.

Para sa amin ni Bunsoy, kung anuman ang dahilan nyong lahat, ipagpatuloy lang ninyo po.

Saturday, April 01, 2006

APRIL FOOLING WITH POETRY

This is serious. Really really. I have long wanted to dedicate an entire bloglife to poetry but decided against it because, despite my ego made of lego, I needed a hit aside from the one falling on my head. Poetry does not a popular blog make, and if I vowed to despise anybody's notice, I should have just made this venture a private laughing matter. I did not, so you probably get the rift - if not the joke.

But this is April Fool's which, to my decrepit memory, is the day where anything goes - and anything that stays goes astray, if not in disarray (aray, it hurts.)

I love poetry even if that love is knowingly, unfairly, unilateral. Wherefore that makes this day a perfect day to play (around) with what I love, the fool!, and I cannot - in any court of the heart - be held accountable, will I?

And so, with due respect to my previous posts which I am heretofore leaving to hang on thin screen with a full potential to die in the misery of archives, allow me please to start with this poetry blog which, whether you like it or not ("you" being myself also, as the only one who seems to have the temerity to withstand this linguistic onslaught), will find space in this site for the entirety of this fool's month until I find sanity and, hopefully, talent to write legitimate poetry.

So, let me indulge...

^^^^^

Lesson # 1: Poetry, in different languages, becomes strangely familiar. Here's a good example.

In an essay entitled "Southeast Asia and the Pacific, A Thousand Years Without Any Season" as appearing in The Poetry of Our World, Jeffery Paine, ed (Harper/Collins, 2000) Burton Raffel mentions the Indonesian poet Chairil Anwar's most popular poem entitled Aku, which contains this line -

Aku man hidup seribu tahun lagi

If you don't speak Indonesian, somehow each word means this in English:

Aku = I
man = want
hidup = to live
seribu = thousand
tahun = years
lagi = more

Now, unless you scrutinize it (or, as given, you speak Indonesian) you will not notice that the Indonesian line could, word for word, be translated into Filipino and the outcome will almost have the same sound and rhythm.

Here's a closer look (Indonesian/English/Filipino):

Aku/I/Ako
man/want/ay nagnanais
hidup/to live/mabuhay
seribu/a thousand/ng sanlibong
tahun/years/taon
lagi/more/pa

And so let us make the comparison even stronger by doing things in verse, Indonesian vis-a-vis Filipino:

Aku man hidup seribu tahun lagi.
Ako ma'y nagnanais mabuhay ng sanlibong taon pa, lagi.