<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, September 21, 2005

CALM BEFORE THE STORM: Isang kwentuhang pamatay-antay sa sayaw ng delubyong nawa'y di kagigisnan

1. Pahapyaw lang ang haplit ng galit ni Rita sa Key West - pinakatimog sa katimug-timugang Floridang namumukod ang tangi sa kariktan ng southern states. Ituloy na raw ang inuman sa Duval Street sa kabila ng kaliwa't-kanang pagsemplang ng basura sa gitna ng mga mayoryang lansangan. Nariyan pa ba ang mga kalalakihang naglalakihan ang tyan at, sa kabila ng panganib, buhay ang layuning panghihibok sa ala-ala ni Ernest Hemingway? Sana naman magbigay-daan muna sa ahensyang may kapangyarihang magpabalik ng kuryente; kunsabagay, namumutawi sa labi ng isang tunay na manginginom na mas nalalasap ang pait ng mainit na serbesang niluklok sa oak barrel ng Sloppy Joe's.

2. Sa dulo ng Duval Street, sa isang eccentric na lugar na tinaguriang Mallory Square, nakansela ang pang araw-araw na ritwal na marahil ay di-gaanong nalalayo ang tradisyon sa isang lugar sa Austin, Texas kung saan inaantay ng mga tao ang pagsapit ng takip-silim na hudyat sa paglipad-labas ng libu-libong paniki mula sa kanilang pinamumugarang kweba. (Hatid ng gabi ang sariwang dugo para sa mga paniki; hatid ng kanilang uhaw at likas ang makapigil hiningang tanawin na ito na napanood ko lamang sa isang docu).

3. Sa Mallory Square, simple lang ang inaabangan: ang makabagbag damdaming paglubog ng araw. Sa turistang nanggaling sa Key West, kadalasang unang tanong ay, Did you see the sun set at Mallory Square? Gaano man kasi kasimple ang tanawin, taglay nito ang mahiya ng buhay - the magic of life - kung saan ang bisa ng namamaalam na araw ay napananatili ang paghahari upang kulumpunin ang mga tao sa isang dagliang komunidad.

4. Di naman ginarantiyahan ng syudad na araw-araw ay lulubog ang araw sa Mallory Square kaya wag kang magtititili, turistang tingaw, Soli Ang Bayad!, gaya nung isang araw, di-salamat kay Rita, na tinakpan ng makapal na ulang-ulap ang galamaying sinag ng dakilang Hari.

5. Subalit kung ika'y taga-Houston o Galveston, Texas, dalawa ang maaari mong gawin: magevacuate, o mag-wait. Simple ang options, walang ikatlo, tulad nung mga panahon ng krisis sa Pilipinas, either mag-panic buying ka, o mag-panic ka, period.

6. Sa pelikulang Saving Private Ryan, may eksena kung saan inaantay ng pangkat ni Tom Hanks ang paglusob ng mga kawal-Aleman sa Normandy. Habang nagkukuta sila sa paligid ng mga wasak na gusali, sa kanilang pag-aantay ay nakikinig sila sa radyo ng isang aria mula sa isang opera, at sa saliw ng mala-ibong himig ng Soprano ay isinasalin ng isang GI sa Inggles ang liriko ng aria mula sa Italian. Ganoon lang ang palipas-oras nila, que klase, pa-aria-aria lang, nakakaaliw, nakakapagpalipas-pangamba, sa eksenang yun mo matatanto ang halintulad ng pagsapit ng unos sa isang maliit na kanayunang sasayawan ng delubyo ilang oras mula ngayon.

7. Mga kaibigan, sa alarmang maaaring itawag na "Houston, You Have a Problem" alayan natin ang mga bayang bumabaybay sa Gulf Coast ng panalangin na sana, tulad ng Key West, tulad ng Austin, maipagdiriwang nilang muli, at agad, ang anumang tradisyong sa ngayon ay napigil sanhi ng calm before the storm.

8. Sya Nawa.

Friday, September 16, 2005

PAANYAYA ng BAGABUNDONG REKLUTADOR (PBR): Isang Bukas na Liham

Book Review Section
The New York Times
229 W 43 St
NY, NY 12036
ATTN: Michiko Kakutani

Minamahal na Bosing Mich (o Michi, o Chiko, o Koka, o Kaku, o Kuta, o Tani, Whatever):

Bago ang lahat nais ko pong ipahatid ang pag-aasa na kayo sampu ng inyong pamilya ay nasa mabuting lagay tulad ng aming mga pulis sa Maynila; ipagpatawad po ang salimuot ng aming lenggwahe - di ko ibig sabihin na sampu ang inyong pamilya, ipinakakalat ko lamang sa kanila ang aking pag-aasa (asa ka pa).

Makasalanan ako kaya't ipagpatawad na ma-uli kung lihaman ko kayo sa pamamagitan ng aming busilak na pananalita, taena, magkaganunpaman na taglay ko ang kakayanang makipagpalagayang-loob sa wika ng inyong mga ninuno (palagay ko lang). Nag-aral po ako ng Nihonggo kung kaya't bayaan akong makipaghuntahan sa isang kahingiang introduksyon:

Toshiba sanyo hitachi nec aikido atari hai! Sanrio sansui kirin miso anime manga hilao? Kikkoman sushi sashimi enage ramen udon wasabe? Ahhh, samurai sakura paroko klang, klang, klang! Hai!

Bosing Mich, kaya po ako napaliham ay dahil sa masidhing pangangailangan, dala ko ang bigat ng mundo, ako ang konsyensya ng sangkatauhan, sa usapin at isyung ito na sa panahon ng lubusang pighati ay nagsisilbing talarok sa kaselanan ng aking balikat. Ang akin pong nag-iisang dalaginding na si Arianne Angela ay nangangailangan ng submissions (ano ba to sa Tagalog: pagsuko? pagpapasakop?) sa kanyang Pinoy Book Reviews.

Wag pong tawaran. O tawanan. Ang kakulangan po ng submissions ang naging sanhi ng pagkansela ng isyung dapat sanay inilathala nitong mga nakaraang linggo. In retrospect, Ang kawalan ng submissions ay kawalan ng isyu, ang kawalan ng isyu ay kawalan ng misyon natin sa buhay. Kundi tayo kikilos, kailan? Kundi ngayon, sinong kikilos? Taena tlg, hai!

Wag pong pagtakhan. Paborito ko kayong reviewer, sunod ko kayong idolo matapos nung reviewer ko nung kumuha ako ng government exam. Kaya kayo ang sinulatan ko, Boss Mich, dahil taglay nyo ang kapangyarihan, tulad nung nirebyu nyong AHWOSG ni Dave Eggers sa NYTBR, sabi nga ni Itlog Dave na yung magasin nilang Might e base sa depinisyong Lakas o Posibilidad, kayo po mismo, Boss Mich para sa akin ang Da Mighty One, nasa inyo ang Power at Possibilities na hikayatin ang aking mga kaibigan na mag-submit ng book reviews sa PBR bago tuluyang maganap ang kahindik-hindik na bunga ng mapait na pagbabalewala kay Angela: ang tubuan sya sa mukha ng makasaysayang tigidig.

Tigidig: OMG, I am so 1980's.

Mabuti na lang po, Boss Mich, at nariyan ang maaasahan kong si Freude, si Boss Angelo, aka Dardar, aka Freude. Nung tanungin ko sya kung pwede ba sya magsubmit, sabi ba naman e, and I quote, "Syempre naman, ikaw pa, inaantay ko nga na yakagin mo akong magsubmit, actually, nagtampo nga ako dahil di nyo ako sinali, pero ngayong nangiimbita ka, magsusubmit ako kahit lima!"

Lima, OMG ulet, sabi ko, isa lang.

"O sige, apat", sabi nya.

Sobra to, dalawa na lang, kahiya, balikwas ko.

"O, para di ka na masyadong maarte, kita tayo sa gitna, dalawa't kalahati".

Ayun, nagkasundo kami na 2 1/2 ang isasubmit nya, bale yung isang rebyu ay ipadadala nya ng hindi tapos.

Pero syempre Boss, mas magara kung yung mga ibang kaibigan ko e magsubmit din, gaya ni Prof. UZ Eliserio ng UP, taena, yung mga reviews nyan sa Amazon dot com (unista) na dineconstruct ang theory of deconstruction, ang lufet, syempre ba naman e may Masters ata yan sa Ejaculatio Praecox.

Tas yung isang malupit din na si Prof Dennis Aguinaldo ng UPLB, balita nga e me nalathalang libro na, samantalang ako libag lang meron, di pa malatha-lathala, anubayan.

Tsaka po yung ibang grupo ko na magaling ding manunulat (gaya ni F, UZ at D, di gaya ko), sina Bossings Jobert, Jet David, Cha B., Belle Nabor, pati na yung nawawalang si Jungian Rocker, sana po makaya ko silang mapagsubmit ng rebisa...

kaya lang baka ma-irebisa nila e sa bingo

sa letrang N...No way!!!

hai, buhai...

O sige na lang po, arigatokyo gusaimasu.

cbs

Tuesday, September 06, 2005

UN DEVOIR

Up on the wall of my office hangs an artwork in mixed-media, watercolor and ink, that depicts the cheerful majesty of jazz. Even with frame it only measures 24" x 32", but what draws attention to it despite its size is the catchy collaboration by and between the serenity of watercolor and the distinct confidence of pen and ink.

The piece itself is jazzy, like music with a discomfitured beat. The colors are a mixture of resplendence and calm but the continuous flow of inked outline gives the impression of movements by the artpiece's subjects, body movements like the thumping of feet and the snapping of fingers.

Making up the depiction are four figures - African-American musicians on the piano, trumpet, bass, and drums, respectively - that seem to portray the tapestry of life ordinaire in New Orleans - carefree and frantic, jaunty and soaring.

I bought the artpiece at a nondescript stall in Jax Brewery, right at the heart of New Orleans, when I went there in Spring of 2002. The price of the artpiece, like the food and ambiance and decadence of the city (in different degrees and meaning), is incredible: $6.00.

I remember asking the saleslady for the name of the artist, which I do every time I buy stuff of this kind anywhere, and she said nonchalantly, At $6.00 apiece I don't think the artist would want to be recognized. In that regard, the painting/drawing is an essential microcosm of New Orleans itself where nameless, faceless artists provide the flippancy of culture and allows for a practical traveler to enjoy the frisk and favor the rib of city life by indulging in a plethora of sweat, otherwise stated, by simply standing in the middle of human traffic.

For New Orleans brought mime to the level of street art. You go from one block to the other, say at Bourbon from Bienville to Conti, and you'll encounter two or three mimes on each side doing the thing they do best, standing still and mimicking a statue while being dangerously coated in layers of gold or silver paint, with one hand, palm up, holding a helmet or a plate for your appreciative notes or coins. You may penny-pinch, of course, and soon you'll realize the mime can move too, with the middle finger getting erect, the entire head moving sideways like an owl, with bulging eyes sizing you up, and you scream, Waaa, mommy, that monument is throwing me a birdy!

New Orleans not only teaches the valuable fact that good art can be cheap (or free), it also provides for a great lesson in travel: not everything that displeases the eye is bad. If in the Philippines we describe the fruit durian as "smells like hell and tastes like heaven", I consider gumbo as "looks like hell and tastes like heaven". In New Orleans, the credo can be, If it looks bad, eat it. Po' Boy or Crawfish look gross, but o boy, you'll crawl the earth for them once you've tried their flavorful best.

And from how I started, New Orleans is not all food or art, it is definitely music, too. Topping the venues for music, for sure, is Preservation Hall, a dingy warehouse-looking sonofagun that plays host to world-class jazz musicians. If you set foot there and play, the audience will not care less if Anne Rice happens to be one of them: they will have all ears for you and you alone, for PH is the house that, I should say, jazz built.

And you think New Orleans is all about Mardi Gras!

+ + + + + + +

The 7 plus signs above signify 7 crosses, 7 being a consensus lucky number, and a cross being an allusion to the logo of New Orleans Saints. I put them there probably for some luck, not just for the Saints, but for the entire city - which at the time I was there must have asked me, "My openness can be bizarre, my bizarreness is open, for why should the locals have all the fun?" - that is now lying, drowning, leaning, leaving...

This is my statement. The entry is written in present tense which may be logically, if not gramatically, wrong, but this is how I want to describe The Big Easy, forever here, forever now. This, then, is my appeal, to return New Orleans' favor of opening to us by opening ouselves to it this time, to its people, with our hearts, with our minds, with our wallets, and probably with our homes, too. One of the better projects around is delilah.com which serves as clearing house for commercial establishments wanting to be dropoff points for toys which will be picked-up by volunteer truckers at specified destinations that may form part of their routes.

We just have to do it.

S'il vous plait, as they would have said in the French Quarter.